Kakulangan ng mga bus driver sa NCR, isinisi sa service contracting program noong pandemya

Isinisi ng isang grupo sa mga nakaraang programa ng pamahalaan noong pandemya ang nararanasan ngayong kakulangan sa mga bus sa Metro Manila.

Ayon kay Joji Vizconde Jr., presidente ng Buklod ng Manggagawa sa ES Transport, marami kasi sa mga nagserbisyo ng libreng sakay sa ilalim ng Service Contracting Program ang hindi pa rin nababayaran.

Dahil dito, nawalan na aniya ng ganang mamasada ang mga bus driver at ilan sa kanila ang nag-abroad na lang.


Sa pagtaya ng grupo, 40% na ang kakulangan ng bus driver sa Kamaynilaan.

Naniniwala naman si Vizconde na kung ibabalik ang mga dating ruta ng bus ay maeengganyo ang mga dating tsuper na bumalik sa pamamasada.

Facebook Comments