Kakulangan ng mga classroom, walang sapat na pondo sa ilalim ng proposed 2023 national budget

Inamin ng Department of Budget and Management o DBM na walang sapat na pondo para sa backlog o kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa sa ilalim ng panukalang P5.268 trillion 2023 national budget.

Sa budget briefing ng House Committee on Appropriations ay sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na P1.96 trillion ang nakalaan sa infrastructure projects.

Sa naturang halaga, ang P429 billion ay para sa road networks, P 177 billion para sa flood control system, P105 billion sa railways at P74 billion sa mga building kasama ang para sa mga school buildings.


Ayon kay Pangandaman, may hiwalay pang P13.9 billion na nakalaan para sa school buildings na may dagdag ng P3 billion.

Paliwanag ni Pangandaman, kailangang ikunsidera ang “absorptive capacity” ng anumang ahensya sa paghahanda ng budget, bukod sa may “formula” pa sa pondo ng bawat ahensya.

Dito na rin sinabi ni Pangandaman na hindi sasapat ang budget para sa backlog ng mga silid-aralan.

Facebook Comments