Aminado ang Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP) na lumalala ang kakulangan ng nurses sa mga private hospitals sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay PHAP President Dr. Jose Rene De Grano, nasa 50 percent ng nurses ang umalis sa mga ospital dahil sa iba’t ibang mga rason.
Bukod dito, nalugi rin aniya ang kanilang hanay na epekto ng pandemya.
Iginiit din ni Dr. De Grano na problema rin nila ang mga bakuna kontra COVID-19 dahil mga pampublikong ospital ang inuunang bigyan ng pamahalaan.
Gayunpaman, tuloy-tuloy pa rin aniya ang pagtanggap ng mga private hospital sa mga dinadapuan ng virus.
Facebook Comments