Kakulangan ng mga silid-aralan, ipinapaprayoridad sa DepEd

Ipinapaprayoridad sa Department of Education (DepEd) ang kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa.

Ito ang lumabas sa survey ng Pulse Asia na ginawa noong September 17 hanggang 21 ng taong 2022 na kinomisyon ni Senator Sherwin Gatchalian.

Tinanong sa survey ang 1,200 respondents sa iba’t ibang bahagi ng bansa partikular sa kung ano ang mga isyung dapat na aksyunan ng kagawaran.


Nanguna sa mga isyung dapat na unahin ng DepEd ang kawalan o kakulangan ng klasrum sa bansa na nasa 52%.

Binigyang diin ni Gatchalian na dapat na kumilos ang gobyerno na makamit ang classroom requirement para sa lahat ng mga mag-aaral sa buong bansa.

Batay rin sa 2019 National School Building Inventory (NSBI), tinukoy na mayroong mahigit 167,000 na kakulangan sa classroom sa buong kapuluan.

Sa resulta pa ng survey, 49% ng mga respondent ang tumukoy sa kawalan ng mga learning material tulad ng mga aklat at computers, 45% ang kakulangan ng mga guro, 33% ang sa quality education habang 24% ang kawalan ng textbooks.

Facebook Comments