Kakulangan ng mga spare part ng mga eroplano, patuloy na inaayos para mabawasan ang pagkaantala ng mga flight

Patuloy na inaayos ang kakulangan sa mga spare parts ng airline companies na siyang nagiging problema sa pagkakaroon ng pagkaantala minsan ng mga flight.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager – Officer-in-Charge Bryan Co, na dumepende pa rin sa mabilis na pagtugon ng mga international aircraft spare part at engine manufacturers para maresolba ang mga problema sa paliparan.

Naniniwala rin ito na pansamantala lamang ang nabanggit na problema.


Samantala, tuloy-tuloy rin aniya ng kanilang ginagawang pagpupulong sa airline companies para mabilis na matugunan ang anumang problema sa congestion ng mga flight.

Facebook Comments