Kakulangan ng pasilidad para mga buntis na inmates, sisilipin ng pamahalaan

Tiniyak ng Malacañang na sisilipin ng pamahalaan ang kakulangan ng pasilidad sa mga piitan para sa mga buntis na inmate.

Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod ng pagkamatay ni River Nasino, tatlong buwang gulang na anak ng political prisoner na si Reina Nasino na nakadetine sa Manila City Jail.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi nila alam ang eksaktong nangyari sa kaso ni Nasino pero titingnan nila ang bagay na ito.


“We realized that unless convicted, you are presumed innocent and we will see what reforms can come about because of this experience with this particular incident,” sabi ni Roque.

Personal na kakausapin ni Roque ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para alamin kung ang Manila City Jail ay walang sapat na pasilidad para sa pangangailangan ng mga sanggol.

“I will personally take steps to inquire into this, knowing there are some treaty obligations that will probably have to be complied with. But as it stands, I don’t know if the Manila City Jail has that facility in fact,” ani Roque.

Nabatid na inilibing si baby River habang nakaposas at pinalilibutan ng mga awtoridad ang detained activist noong October 16.

Facebook Comments