Iginiit ni Vice President Leni Robredo na hindi dapat ipinagsasawalang bahala ng education officials ang kalagayan ng mga guro.
Partikular na tinutukoy ng Bise Presidente ang paggamit sa banyo bilang faculty room sa Bacoor National High School sa Cavite.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, ikinalulungkot ni Robredo ang kakulangan ng pasilidad sa mga paaralan.
Hindi rin tinanggap ni Robredo ang pahayag ni Education Secretary Leonor Briones na ang ginagamit lamang ng mga guro ang isyu dahil “dramatic” at “touching.”
Iginiit ni Robredo na hindi lang sahod ang pinoproblema ng mga guro.
Umaasa si Robredo na matugunan at matutukan ito.
Facebook Comments