Ilang linggo nang nararanasan ang kakulangan ng suplay ng karne sa Dagupan City ayon sa City Veterinary Office na siyang ramdam naman ng ilang meat vendors.
Namomoblema ngayon ang ilang meat vendors sa mga pamilihan sa lungsod dahil sa kakulangan ng suplay ng karne ngayon.
Ayon sa ilang meat vendors, pahirapan ang suplay ng karne sa Dagupan city bunsod ng nararanasang ASF sa lalawigan kaya kumukuha ang mga ito ng suplay sa ibang probinsya para makaraos at may maibenta pa rin sa kanilang mga pwesto.
Idagdag pa umano na natatalo ngayon ng frozen meat ang fresh meat lalo kung sa presyo ang pag-uusapan.
Asahan din umano ang maaaring patuloy na nararanasang kakulangan ng suplay ng karne ngayon ber months kung magpapatuloy pa rin ang epekto ng African Swine Fever sa lalawigan.
Patuloy naman ang monitoring ng City Veterinary Office sa lahat ng klase ng baboy na pumapasok sa mga pamilihan sa lungsod bilang seguridad sa kalusugan ng mga mamimiling Dagupeno. | ifmnews
Facebook Comments