Posible umanong iniipit ang suplay ng asukal kung kaya’t mayroong artipisyal na pagkukulang nito.
Ito ang ipinahayag ni Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes.
Ani Reyes, wala silang nakikitang pagkukulang ng asukal sa bansa.
Sa katunayan aniya, mayroong sapat na suplay pero naiipit ang distribution nito sa merkado.
Magsasagawa aniya ng imbestigasyon ang Department of Agriculture (DA) katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) upang habulin ang mga trader na nasa likod ng artificial shortage ng asukal.
Facebook Comments