Kakulangan sa classrooms sa bansa, hindi madaling mareresolba ayon kay Secretary Briones

Manila, Philippines – Inihayag ni Education Secretary Leonor Briones na mahihirapan ang gobyerno na bigyang solusyon ang problema sa kakulangan ng classroom sa bansa kung hindi mabibigyan ng solusyon ang patuloy na pagtaas ng populasyon sa Pilipinas.

Sa briefing ni Briones sa Malacañang ay sinabi nito na kung patuloy na tataas ang populasyon ay mahihirapang makahabol ang gobyerno na magtayo ng mga paaralan o classrooms.

Paliwanag ni Briones, sa mga urban areas ay kulang na ang mga lupa o mga lugar na maaaring lagyan ng school buildings at wala naman aniyang gustong magbenta ng lupa o mag donate sa gobyerno.


Pero sa ngayon aniya ay wala nang mga classrooms sa ilalim ng puno at patuloy naman ang gobyerno sa pagpapagawa ng mga classrooms sa bansa.
DZXL558

Facebook Comments