Kakulangan sa pagkain, idinadaing na mga residenteng naapektuhan ng lindol sa Mindanao

Dumadaing na ng kakulangan sa pagkain at malinis na tubig ang mga residenteng naapektuhan ng lindol sa North Cotabato.

Kasunod ito ng pagtama ng dalawang magkasunod na lindol sa Mindanao ngayong linggo.

Napilitan kasing magsara ang mga pangunahing pamilihan sa bayan ng Makilala at Tulunan habang brownout sa Kidapawan City.


Maging si Tulunan Vice Mayor Maureen Villamor, aminadong limitado lang ang natatanggap nilang tulong.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. ang paglalaan ng P2-milyong tulong para sa North Cotabato.

Habang nagpadala na rin ang DWSD Region 12 ng P1-milyong halaga ng food assistance sa mga apektadong bayan.

Samantala sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa 21 na ang kabuuang bilang ng nasawi mula sa tatlong magkakasunod na lindol sa Mindanao nitong Oktubre.

Facebook Comments