Nagsagawa ng pagsusuri ang lokal na pamahalaan ng Sison, katuwang ang mga kinatawan ng sektor ng edukasyon, sa kalagayan ng ilang silid-aralan sa bayan kung saan natukoy ang iba’t ibang suliranin na nangangailangan ng agarang at pangmatagalang solusyon.
Ayon sa LGU, isa sa mga pangunahing hamon sa agarang pagsasagawa ng mga kinakailangang pagkukumpuni at proyekto ang kakulangan sa pondo, na nagiging hadlang sa mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga paaralan.
Ibinahagi rin na kakailanganin ang mas malawak na suporta mula sa iba’t ibang opisyal at tanggapan upang matugunan ang mga kakulangan sa pasilidad pang-edukasyon, lalo’t may iba pang prayoridad ang munisipyo, kabilang ang mga planong proyektong pang-imprastruktura sa 28 barangay ng Sison.
Dagdag pa ng LGU, isinasagawa ang mga hakbang at pagpaplano alinsunod sa mga itinakdang proseso upang matiyak na magiging maayos at naaayon sa patakaran ang pagpapatupad ng mga proyekto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









