Umaalma si Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa pagbabawas ng Department of Education (DepEd) sa kanilang learning competencies partikular sa Self-Learning Modules (SLMs) na ipamamahagi sa mga estudyante sa ilalim ng blended learning.
Nauna nang nasita ng mga kongresista ang paghahati ng mga estudyante sa isang learning module sa halip na 1:1 na ratio.
Inamin ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na magpo-produce lamang sila ng 59% na SLMs para sa kalahati ng kabuuang bilang ng enrollees ngayong taon.
Dismayado si Marcoleta dahil hindi ito kakasya para sa mahigit 24 million na mga estudyanteng naka-enroll ngayong pasukan.
Nangangamba rin ang kongresista na ang paghahati o sharing ng modules ay lalo lamang delikado para sa mga mag-aaral.
Pinuna rin ng mambabatas ang P9 billion computerization program ng DepEd dahil ilang taon na ring naglalaan ang Kongreso para dito na dapat sana ay napapakinabangan ng mga guro at estudyante ngayon.