KAKULANGAN SA SUPPLY | NFA, kinalampag ni Senator Binay

Manila, Philippines – Kinalampag ngayon ni Senator Nancy Binay ang inter-agency National Food Authority Council (I-ACT) kaugnay sa kakulangan sa suplay ng NFA rice sa merkado.

Ito ay makaraang aminin mismo ng NFA na tatlong araw na lang ang buffer stock ng NFA rice.

Tanong ni Senator Binay, ano nang nangyari sa polisiya na dapat magkaroon ng 15-day buffer stock ang ahensya?


Binigyang diin ng senadora na kasama sa trabaho ng NFA ang siguruhin na mayroong sapat at murang bigas para sa lahat.

Ayon kay Binay, dahil sa kakulangan ng suplay ng NFA rice sa merkado, ay napupuwersa ang ating mga kababayan na bumili ng mahal na bigas.

Kasabay nito ay pinapalantad din ni senator binay sa NFA ang listahan ng lahat ng suppliers na binigyan ng import permits, sa ngalan ng transparency at para masuri kung nagkaroon ba ng conflict o iregularidad kaya nagkakaproblema ngayon sa suplay ng murang bigas.

Facebook Comments