Kakulangan sa supply ng saging sa Metro Manila at karatig lalawigan, asahan na matapos ang pananalasa ng Bagyo Quinta sa mga sagingan sa Quezon Province

Nagbabala si Quezon Province Gov. Danilo Suarez na posibleng magkaroon ng kakulangan sa supply at magmahal ang presyo ng saging sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Suarez, na ang kanilang sagingan ang malubhang sinalanta ng Bagyong Quinta at higit isang taon pa bago bumunga ang mga ito.

Bukas, araw ng Biyernes, nakatakdang magdeklara ng State of Calamity sa buong probinsya ng Quezon bunsod ng pinsalan ng bagyo.


Nabatid na aabot sa 488 million piso ang napinsala sa sektor ng agrikultura at imprastraktura sa Quezon.

Facebook Comments