Kalaban ni Incumbent Mayor Bernard Dy para sa Halalan 2019, Umatras, Bill Dy-Pumalit!

*Cauayan City, Isabela-* Binawi na ni ginang Norma Valcos ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-mayor dito sa Lungsod ng Cauayan para sa 2019 midterm Elections.

Sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan, nauna pang nag-file ng kandidatura si ginang Valcos subalit binawi rin nito ang kanyang COC.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Officer Efigenia Marquez, pinalitan si Valcos ng kanyang kapatid na si ginoong Bill Virgilio Dy at makakalaban nito ang kanyang pamangkin na incumbent mayor ng Cauayan City na si Bernard Dy.


Samantala, nakapagtala na ang tanggapan ng COMELEC ng nasa 84,119 rehistradong botante sa Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments