Kalabaw-Patay, Matapos na Madamay sa Bakbakan ng mga Sundalo at NPA sa Ilagan City Isabela!

City of Ilagan, Isabela – Patay ang isang kalabaw kahapon matapos na matamaan ng ligaw na bala sa kasagsagan ng labanan sa pagitan ng tropa ng 95 th Infantry Batallion at mga kasapi ng Reynaldo PiƱon Command sa Sitio Kapaltatan ng Barangay Sindon Bayabo, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan sa mga residente ng naturang lugar ay ngayong araw lamang nila nalaman na may nasawing kalabaw sa nangyaring sagupaan.

Ayon naman kay Sergeant Gilbert Tadiwan ng 502nd. Brigade na kinatawan ng Civil Military Operations ng 5th Infantry Division na handa umano nilang pag-usapan ang pagkasawi ng kalabaw kung saan ay maaring ipaabot muna sa kanilang barangay upang maihanda ang mga dapat gawin dito.




Facebook Comments