KALABOSO | 19 foreign nationals, arestado ng Bureau of Immigration dahil sa drug trafficking at call center fraud

Muntinlupa – 19 na foreign nationals ang inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration dahil sa drug trafficking at call center fraud sa Muntinlupa City.

Muntinlupa City- Karamihan sa mga naaresto ay Thai Nationals na undocumented aliens.

Mismong ang Royal Thai Police ang nagtimbre Sa Bureau Of Immigration kaugnay ng operasyon ng sindikato.


Kasama rin sa mga naaresto ang tatlong Taiwanese Nationals kabilang na ang isang alyas Wu Chang Long na ring leader at wanted sa Taiwan dahil drug trafficking.

Nakatakda namang isailalim sa inquest proceedings ang mga ito na pansamantalang ikinulong sa BI Detention Facility Sa Taguig City habang inihahanda ang deportation proceedings.

Facebook Comments