Manila, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki sa Alley 1, Brgy. 576 Zone 56, Sampaloc Manila makaraang magsagawa ng anti criminality operation ang Manila Police District station 4, alas-10:40 ng umaga.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nakatanggap ng tawag ang station 4 mula sa isang concerned citizen kaugnay sa di umano ay iligal na ginagawa ng mga suspect na kinilala bilang si Ranny Guiang, 21 anyos, at Julius Salazar, 34 anyos.
Agad na rumispunde ang mga pulis sa lugar.
Hindi na nakapalag ang dalawang suspect nang damputin ng mga otoridad.
Narecover mula sa mga ito ang (2) plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Mahaharap ang mga suspect sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments