KALABOSO | 2, arestado sa paggamit ng shabu sa Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang drug pusher na huling gumagamit ng shabu sa loob ng nakaparadang tricycle sa Barangay 314, Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Margarette Alfaro, 24-anyos at Lemar Del Carmen, 40-anyos.

Ikinasa ng Sta. Cruz Police Station-3 ng Manila Police District (MPD) ang operasyon matapos na magsumbong ang isang concerned citizen hinggil sa paggamit ng ilegal na droga ng mga suspek.


Nakuha sa kanila ang dalawang plastic sachet ng shabu.

Kasalukuyan nang nakakulong ang mga suspek.

Facebook Comments