KALABOSO | 2 drug suspect, arestado sa Navotas

Navotas City – Arestado ang dalawang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation ng Northern Police District (NPD) sa Barangay North Bay Boulevard North, Navotas City.

Target talaga ng operasyon si Ryan Amistad, 32-anyos na kasama sa drug watchlist ng pulisya.

Pero naaresto rin ang kasama nitong si Jerwin Marabarbas, 27-anyos.


Nakuha sa mga suspek ang ilang plastic sachet ng shabu, buy-bust money at mga drug paraphernalia.

Sasampahan sila ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments