KALABOSO | 2 tauhan ng PCG at 3 sibilyan, arestado dahil sa illegal cockfighting sa El Nido Palawan

Inaresto ng mga tauhan ng El nido Municipal Police Station ang dalawang tauhan ng Philippine Coast Guard at tatlong sibilyan matapos maaktuhan na naglalaro ng illegal cockfighting o tupada sa Sitio Tandol Brgy. Buema Suerte El Nido Palawan.

Kinilala ang dalawang Miyembro ng Philippine Coast Guard na sina Ian Earl Gelema Manalo 32 anyos at Roy Rafols Gacasa 34 anyos.

Habang ang tatlong sibilyan ay kinilalang sina Neptali Gripon Alaban Jr., Pepito Villamor Domingo at Rogelito Geromol Abastillas.


Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Supt. Imelda Tolentino, alas-5:30 ng hapaon kahapon nang madakip ang mga suspek habang nagtutupada o illegal cockfighting.

Nadiskubre ang illegal cockfighting matapos na magsumbong sa pulisya ang isang concerned citizen.

Narekober ng mga pulis sa mga suspek ang halagang mahigit 7000 pesos cash, sigarilyo, at dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Sa ngayon nakakulong na sa El Nido Municipal Police Station ang mga naarestong suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential decree 449 o cockfighting law at paglabag sa RA 9165.

Facebook Comments