KALABOSO | 3, arestado sa iligal na droga sa Maynila

Manila, Philippines – Kalaboso ang tatlong personalidad matapos na magsagawa ng Anti Criminality Operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team-Special Operation Task Force Unit sa Dominga St., near corner P. Ocampo St., Malate, Maynila.

Ayon kay MPD Spokesman Supt.Carlo Manuel, nagsagawa ng Anti- Criminality Operation ang mga elemento ng SDET-SOTU na pinamumunuan ni P/Sr.Inspector Edwin Fuggan na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek na sina Hernan Dasilio 37 anyos,Randy Ramos 37 anyos construction worker at Carlos Rorasales 33 anyos helper at , residente ng #1834 Anak Bayan St., Pandacan, Maynila.

Nakuha sa tatlong suspek ang apat na pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.


Sinampahan na ni PO2 Jocelyn Samson ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments