
Manila, Philippines – Arestado ang tatlong Chinese Nationals na suspek sa pagdukot sa isang kapwa nila Chinese sa Makati.
Kinilala ang tatlo na sina Wana Ping, Yuan Jun at He Ping.
Ayon sa Makati City Police, dinukot si Chao Yu sa bahay nito sa Chino Roces Avenue, Barangay Pio Del Pilar.
Nanghingi umano ang mga suspek ng P300,000 ransom kapalit ng kalayaan ni Yu.
Nakapagsumbong naman sa pulisya ang kapatid ng live-in partner ni Yu na si Richmond Acosta na naresulta ng pagkakaaresto sa tatlo sa isang condominium building sa Chino Roces Avenue.
Nakuha sa kanila ang p100,000 na initial ransom mula sa kaanak ng biktima.
Sasampahan ng kasong kidnapping for ransom ang mga suspek.
Facebook Comments









