KALABOSO | 3 indibidwal sa Maynila, arestado dahil sa iligal na droga

55

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki at isang babae sa Oro B St., Sta. Ana, Manila, makaraang magsagawa ng drug buy bust operation ang mga tauhan ng MPD station 6, pasado alas dos y media ngayong hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakatanggap ng tawag ang mga otoridad mula sa isang concerned citizen kaugnay sa iligal na ginagawa ng suspect na kinilala bilang si
Anthony Santos, 40 anyos
Benjie San Pedro, 34 anyos
Mary Grace Abelda , 30 anyos


Narecover mula sa suspect ang (8) plastic sachet ng hinihinalang shabu. At (2) daang pisong buy bust money.

Nananatili ngayon sa custodial facility ang tatlo, na mahaharap sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Facebook Comments