Manila, Philippines – Arestado ang tatalong lalaki kabilang ang isang Barangay Kagawad na Umano ay sangkot sa panloloob sa ilang e-gaming establishments sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.
Kinilala ang mga suspek na sina noli balistol alyas “hummer”, Rayford Reñola Alyas “Kia” at Renier Reyes Alyas “BMW” na kasalukuyang kagawad ng Barangay 59 sa Maynila.
Ayon kay QCPD Director C/ Supt. Joselito Esquivel – August 30 ng gabi nang makatanggap sila ng sumbong hinggil sa panloloob ng tatlo sa isang e-games establishment sa bahagi ng Congressional Avenue sa Quezon City na nangyari pa noong Mayo.
Tinatayang nasa P266,000 na cash money ang kanilang natangay.
Nabawi naman sa mga suspek ang tatlong kalibre 38 baril, isang 9mm pistol, granada, face mask at ilan pang personal na gamit.
Hina-hunting na ngayon ng QCPD ang kasama nilang si Nomer Cristobal at ang lider ng grupo na si Vladimir Binayog na isang dating Pulis-Caloocan.