KALABOSO | 3 lalaki, nahulihan ng milyong pisong halaga ng marijuana sa Cebu

Danao City – Arestado ang tatlong lalaki matapos mahulihan ng halos P3-milyong halaga ng marijuana plants ang nakumpiska ng mga otoridad sa Danao City, Cebu.

Nakilala ang mga suspek na sina Ricardo Bacang Roque, 27-anyos; Vicente Tapia, 33-anyos at Roque Tapia Jr., 62-anyos.

Nahuli ang tatlo na binubunot na ang marijuana at inilalagay sa kanilang container.


Nasabat sa operasyon ang tatlong sako ng dahon ng marijuana habang nabunot naman ang 14,980 na marijuana plants at 13 marijuana stalks na aabot sa mahigit P2.9-milyon.

Facebook Comments