KALABOSO | 3, nadakip ng SPD sa magkakahiwalay na operasyon

Makati City – Arestado ang tatlo katao na kapwa nagtatago sa batas sa magkahiwalay na operasyon ng Southern Police District o SPD.

Unang nadakip ang isang Christian Santos dahil sa kasong reckless impudence resulting in damage to property sa Avocado Street, Barangay Comembo, Makati City.

Sa hiwalay na operasyon, naaresto naman ang top 3 most wanted person ng Muntinlupa Police na si Jefferson Imperial sa Purok 7 Barangay Poblacion na may kasong attempted murder.


Samantala, nahuli naman sa Greenbelt 5, Legaspi Street, Barangay San Lorenzo, Makati City ang restaurant manager na si Randy Henson dahil din sa kasong kriminal na nakabinbin sa isang korte sa lungsod.

Facebook Comments