KALABOSO | 3 pulis, arestado matapos magpanggap na PDEA agent para makakuha ng pera sa mga nahuling drug suspect

Manila, Philippines – Nakatikim ng sermon at mura ang tatlong pulis na naaresto matapos na magpanggap na agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para perahan ang nahuli nilang siyam na indibidwal na sangkot sa iligal na droga.

Kinilala ang mga suspek na sina PO1 Radam Manglicmot, PO1 Edmar Cayanan at PO1 Jeff-Pee Calaguas ng anti-criminality unit ng MPD-Station 5.

Ayon kay Eleazar, aabot sa P300,000 kada isang tao ang sinisingil ng tatlong pulis kung saan sa mismong himpilan isinasagawa ang transaksiyon.


Dismayado si Eleazar dahil sa kabila ng dobleng sweldo ng mga bagong pulis ay nagawa pa ng tatlo na perahan ang mga nahuhuli nila kaya at nasisira ang pangalan ng PNP.

Ni-relieve din niya ang hepe ng nasabing istasyon na si Police Superintendent Emerey Abating dahil sa command responsibility niya ang area pero wala ito nang isagawa ang transaksiyon.

Facebook Comments