Porac, Pampanga – Arestado ang 30 indibidwal kabilang ang tatlong Chinese na sangkot sa illegal quarrying o pagmimina sa Porac, Pampanga.
Nadakip din ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang punong barangay ng Manuali.
Ikinasa ang operasyon matapos na magreklamo ang mga katutubong Pangkat sa Porac na napasok ng quarry operation ang kanilang ancestral domain o lupain.
Narekober sa lugar ang mga heavy equipment at mga mineral na nagkakahalaga ng halos isang bilyong piso.
Napag-alaman naman ng mga otoridad na pumasok bilang turista sa bansa ang tatlong Chinese pero kalaunan ay nagtrabaho sa quarry site ng walang permit.
Kinasuhan na ang mga suspek ng paglabag sa R.A. 7942 o Philippine Mining Act of 1995 at R.A 8371 o Indigenous Peoples Rights Act of 1997.