KALABOSO | 4 kilo na cocaine na may street value na 21.2 milyong piso, nakumpiska sa isang mangingisda sa Infanta, Quezon

Quezon – Arestado ang isang mangingisda matapos makuhaan ng apat na kilo ng cocaine sa isinagawang buy bust operation sa Dinahican Infanta, Quezon

Kinilala ang suspek na si Aldrin Taharan 48 anyos, tubong Nagcarlan Laguna at kasalukuyang nakatira sa Dinahican Infanta, Quezon.

Ayon kay PNP CALABARZOn Spokesperson Police Supt Chitadel Gaoiran ang apat na kilong cocaine na narekober sa mangingisda ay may street valu na 21.2 milyong piso.


Sa inisyal na imbestigasyon tingi-tinging ibinebenta ng suspek ang cocaine sa kanyang mga customer lalo na sa mga banyaga.

Sa ngayon nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments