KALABOSO | 4 na big time drug pusher, arestado sa Navotas City

Navotas City – Hindi na nakaporma ang apat na big time drug pusher sa ikinasang operasyon ng Northern Police District (NPD) sa loob ng Navotas Fishport Market 3 sa Navotas City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Aldrin Campos, Jay-R Sonet, Jilian Alegado, at Merelyn Golfere na pawang mga residente ng Barangay Northbay Boulevard North (NBBN).

Aabto sa P1.5 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa kanila kung saan isang pulis ang kanilang napagbentahan ng iligal na droga.


Aminado ang mga suspek sa pagbebenta pero ayaw naman nilang sabihin kung sino ang kanilang source.

Facebook Comments