Marikina – Arestado ang dalawang empleyado at tatlong customer ng isang restaurant dahil sa paglabag sa liquor ban sa Marikina City.
Kinilala ang mga empleyadong nagbebenta ng alak na sina Jason Delovuar at China Redocto.
Habang ang mga customer ay sina Jay Pangan, Ronald Sevilla at Emmanuel Cabullo.
Nahuli silang umiinom ng alak sa isang restaurant sa Barangay Conception uno alas-8:50 kagabi.
Epektibo ang pagpapatupad ng liquor ban hanggang mamayang hatinggabi.
Facebook Comments