KALABOSO | 5 drug pusher, arestado sa Pasig City

Pasig – Timbog ang limang drug pusher sa magkakahiwalay na police operation sa Pasig City.

Dalawang lalaki ang magkahiwalay na naaresto sa Barangay Pinagbuhatan at nasamsam ang sampung sachet ng shabu.

Nalambat naman sa Barangay Palatiw ang dalawang babae kung saan sampung sachet din ng shabu ang nabawi.


Limang sachet ng shabu naman ang nabawi sa buy bust operation laban kay alyas Odi sa Barangay Manggahan.

Mahaharap ang mga suspek ng paglabag sa comprehesive dangerous drugs act.

Facebook Comments