Jolo, Sulu – Abu Sayyaf Member na si Suaib Hayudini alyas Eteng na dating tauhan ni ASG lider Radullan Sahiron na sangkot Sipadan kidnapping incident naaresto sa Barangay Walled City, Jolo, Sulu-PNP ARMM.
Naaresto sa isinagawang law enforcement operation ng Philippine National Police (PNP) ang isa sa miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Marina Street Barangay Walled City, Jolo, Sulu.
Ayon kay PNP ARMM Spokesperson Police Senior Inspector Jemar Delos Santos alas 12:15 ng tanghali kahapon nang maaresto ang terorista.
Kinilala itong si Suaib Hayaduni alyas Eteng na kabilang sa nagooperate sa Sulu at dating tauhan ni ASG lider Radullan Sahiron na umano ay sangkot sa Sipadan Kidnapping incident.
Si Hayaduni ay nahaharap sa kasong kidnapping at Serious illegal Detention with Ransom sa RTC NCR Judicial Region, Branch 162 at Kidnapping with Frustrated Murder sa RTC, 9th Judicial Region, Branch 13, Jolo, Sulu.
Sinabi pa ni Delos Santos naging matagumpay ang operasyon dahil sa intelligence sharing at pakikipag-ugnayaan sa ibang law enforcement units.
Agad na inilipat kahapon sa Zamboanga City ang naarestong terorista para sa proper documentation at disposition.