KALABOSO | Airport police, arestado sa pangongotong sa NAIA terminal 2

Manila, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Counter Intelligence Task Force (CITF) ang dalawang airport police matapos maaktuhang nangongotong sa mga drayber na kumukuha na pasahero sa bahagi ng NAIA terminal 2 kagabi.

Kinilala ang dalawang naaresto na sina Airport Police Officer 1 Pablo Atayde Jr. at Airport Police Officer 1 Danilo Levite Jr.

Ayon kay PNP-CITF Spokesperson Police Senior Inspector Jewel Nicanor 9:30 ng gabi kagabi nang isagawa ng PNP-CITF ang entrapment operation laban sa dalawa.


Ito ay dahil sa dami ng reklamong kanilang natatangap sa ginagawang pangongotong ng mga ito.

Sa ngayon nasa kustodiya na sila ng PNP-CITF sa Camp Crame at nakatakdang sampahan ng kaso ngayong araw.

Facebook Comments