Isang overstaying na Amerikanong wanted sa USA dahil sa multiple fraud cases ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI).
Kinilala ang otsenta’y-uno anyos na American national na si Harold Leigh Andrews.
Ayon sa BI, limang taon nang nagtatago sa Pilipinas si Andrews.
Agad siyang ipapa-deport para harapin ang kanyang mga kaso sa Alabama.
Inilagay na rin ng BI sa kanilang blacklist ang American fugitive.
Facebook Comments