KALABOSO | Apat na tao, arestado sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operation sa Cebu

Cebu – Arestado ang apat na tao sa magkakahiwalay na anti- illegal drug operation sa Naga City at Lapu-Lapu City sa Cebu.

Umabot sa 2,308 na punla at 15,308 na puno ng marijuana ang nabunot sa isang sakahan na pag-aari ni si Joel Gabutin Narvasa sa Barangay Balamban kung saan tinatayang nagkakahalaga ang mga ito ng 3.1 milyon pesos.

Nasakote naman si Von Dominique Nombrado ng Barangay Canjulao, Lapu-Lapu City na nakuhanan ng 1.55 gramo ng shabu na tinatayang nasa 18,290 pesos ang halaga.


Nadakip din sa Naga City sina Rey Balo Repuella at Stanley Laput Campos na nakuhanan ng 0.30 gramo na nagkakahalaga ng 3,540 Pesos.

Facebook Comments