KALABOSO | Apat na tao kabilang ang isang pulis, arestado matapos bumili ng nakaw na kotse

Pasay City – Timbog ang apat na tao kabilang ang isang dating pulis matapos bumili ng nakaw na kotse sa Sunrise Avenue kanto ng Harbor Drive, Pasay City.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Mayeth, Ricky, Raul at Lolita.

Ayon kay South Police District Director Police Chief Superintendent Tomas Apolinario, nagkasa sila ng entrapment operation matapos makatanggap ng reklamo mula kay Fulin Zhang, residente ng Muntinlupa City, na may nagnakaw ng kanyang kotse.


Narekober sa naturang operasyon ang isang silver na Toyota hi ace commuter van.

Pinaghahanap na rin ng mga otoridad ang driver ng complainant na si alyas Rey, na siyang tumangay ng kotse ng sarili niyang among si Zhang.

Facebook Comments