Taguig City – Arestado ang isang babae matapos na mahuling nagbebenta ng iligal na droga sa J. Ramos Street, Ibayo Tipas, Taguig City.
Ayon kay Police Chief Superintendent Tomas Apolinario, 180 pakete ng hinihinalang marijuana ang nakumpiska sa suspek na 18-anyos pa lamang.
Nabatid na pawang mga menor de edad aniya ang mga parokyano ng nasabing suspek at pasimple lamang ito kung magbenta.
Sinasabing isang concerned citizen ang nagbigay ng tip sa ginagawang pagbebenta ng suspek kaya at nagkasa sila ng operasyon laban dito kung saan hindi na nakaporma pa ang dalaga ng ito ay maaresto.
Facebook Comments