KALABOSO | Babaeng sangkot sa qualified theft, arestado ng NBI

Manila, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation ang isang babaeng wanted sa kasong qualified theft at una nang nagtago sa United Arab Emirates.

Sa Bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Navotas RTC branch 212, Inaresto sa NAIA ng mga ahente ng NBI-International Operations Division si Regina Boneza Senson.

Bukos sa qualified theft, nahaharap din si Senson sa kasong falsification of public documents.


Bago ang pag-aresto, nauna nang humiling ang NBI ng red notice sa Philippine Center for Transnational Crime laban kay Senson para sa deportation nito pabalik ng Pilipinas mula sa Middle East.

Bukod sa kinakaharap ng suspek na warrant of arrest noong 2015, kanselado na rin ang pasaporte ni Senson.

Si Sensona ay sinasabing dating empleyado ng isang malaking kumpanya sa bansa kung saan pinagkatiwalaan ito ng kanyang mga amo subalit nagtakbo ng pera ng kumpanya.

Ayon sa NBI, isang non-bailable na kaso ang kinakaharap ni Senson at sakaling mahatulang guilty ng korte at posible itong maharap sa parusang reclusion perpertua o habambuhay na pagkabilanggo.

Facebook Comments