KALABOSO | Dalawang katao, arestado sa iligal na droga sa Muntinlupa City

Muntinlupa City – Timbog ang dalawang drug suspek matapos mahulihan ng droga sa Joaquin Compound, Alabang, Muntinlupa City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Pedro Angcao at Ruperto Altipasado kapwa nakatira sa nasabing na compound.

Ayon sa PCP 3 ng Alabang Muntinlupa, nagsasagawa sila ng oplan galugad ng matyempohan ang mga suspek.


Nakuha mula sa kanilang pag-iingat ang dalawang pakete ng shabu.

Aminado naman ang mga suspek na sa kanila ang iligal na droga pero mariin itinatanggi na nag bebenta sila nito.

Facebook Comments