KALABOSO | Dalawang lalaki, arestado sa iligal na droga sa Pasay City

Pasay City – Arestado ng mga tauhan ng Pasay City Police Station ang dalawang lalaki helper matapos na mahulihan ng ilegal na droga sa Pasay City.

Nakilala ang mga suspek na sina Reymark Dagsang at John Patrick Cando.

Sa ulat, nagsasagawa ng foot patrol ang mga pulis sa Aurora Street, Barangay 108, Zone 12, Pasay City kung saan napansin na nakahubad ang pang-itaas ang mga suspek at nang kapkapan nakuha sa kanilang bulsa ang plastic sachet ng shabu.


Agad na dinakip ang mga suspek at inaalam na kung kanino nila nabili an iligal na droga.

Facebook Comments