KALABOSO | Dalawang lalaki, arestado sa pagdadala ng baril sa Cebu

Cebu – Kalaboso ang dalawang lalaki matapos mahuling may bitbit na baril sa national highway, Barangay Nangka, Balambam, Cebu.

Nakilala ang mga suspek na sina Melvin Baliguat at Joel Torreon Aliviado.

Sakay ng motorsiklo ang mga suspek nang maharang sila sa checkpoint kung saan nakuha sa pag-iingat nila ang dalawang .45 na baril na walang lisensiya.


Kasalukuyan naman nang nakakulong ang mga suspek at inaalam na kung miyembro ito ng gun-for-hire o mga hitman ng isang drug group.

Facebook Comments