KALABOSO | Dalawang miyembro ng ISIS, arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng PNP sa Laguna

Laguna – Nasakote ng mga operating units ng PNP ang dalawang local terrorists na sinasabing may kaugnayan sa teroristang ISIS.

Sa pulong pambalitaan sa PNP headquarters sa Kampo Krame, Kinilala ni PNP Chief Oscar Albayalde ang dalawang arestado na sina Jimuel Velasco Dizon alias Amir at Ediboy Alejo Bermejo alias Abdullah.

Isinagawa ang operasyon sa magkakahiwalay na lugar sa Block 31, Lot 114 Joshua St., Phase 5, Mabuhay Subdivision, Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna at sa Block 17, Lot 18, Celina Homes 5 Subdivision, Brgy Tagapo, Sta. Rosa City Laguna.


Nakuha sa kanilang pag iingat ang bandila ng ISIS, iba’t-ibang uri ng mga armas at bala.

Hindi pa malinaw kung may balak maghasik ng kaguluhan ang dalawa.

Kinukumpirma pa kung may kaugnayan sina Amir at abdullah sa sumiklab na giyera sa Marawi city.

Nasa pangangalaga na ngayon ng PNP headquarters ang dalawang arestadong terorista.

Facebook Comments