KALABOSO | Dalawang most wanted persons, arestado sa Catanduanes

Catanduanes – Arestado ang dalawang most wanted persons na may kasong rape sa Catanduanes.

Unang nasakote ang suspek na si Mike Carranza na itinuturing na ikalawa sa listahan ng most wanted persons sa Baras.

Nadakip naman sa Barangay Cormidal ng lungsod ng Tabaco sa Albay si Reymund Bordeos na ikapito sa most wanted list ng Bagamanoc Municipal Police Station.


Kusang sumama ang mga suspek at hindi na din sila nanlaban sa takot na mapatay ng mga pulis.

Facebook Comments