KALABOSO | Dalawang pulis arestado dahil sa pangongotong sa Benguet

Benguet – Arestado ang dalawang pulis matapos ang ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng Philippine National Police Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) sa isang restaurant sa La Trinidad, Benguet.

Ayon kay PNP-CITF Spokesperson Police Chief Inspector Jewel Nicanor inireklamo ng pangongotong sa mga naarestong Small Town Lottery (STL) operators ang dalawang pulis.

Aniya nang maberipika nila ang impormasyon ay ikinasa na ang operasyon laban kina SPO3 Paulino Lubos Jr, nakatalaga sa Tublay Municipal Police Station at SPO4 Gilbert Legaspi, nakatalaga namanaa Intel operative ng Provincial Intelligence Branch.


Batay sa reklamo nina Ryan Abing Olsina at Jerbin Pulac Velasco, kapwa collector at operator ng STL sa La Trinidad, Benguet nangongolekta ang mga suspek ng halagang 5000 piso hanggang 40,000 piso mula sa mga STL operators na kanilang naaresto kapalit nang hindi na pagsasampa ng kaso.

Sa entrapment operation nakuha sa mga suspek ang 3000 piso.

Sa ngayon nasa CITF headquarters na ang ang mga suspek at mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

Facebook Comments