Bulacan – Nadakip ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang pulis na wanted matapos mahatulan sa kasong robbery extortion sa Guiguinto, Bulacan.
Sa ulat ng Philippine National Police, ang pulis ay kinilalang si SPO2 Ferdinand Cajipe dating nakatalaga sa Police Security Protection Group na nag-AWOL o absence without official leave dahil sa kasong kinasasangkutan nito.
Sa imbestigasyon, si Cajipe ay kabilang sa listahan ng High Value Target ng Pangulong Rodrigo Duterte ito ay matapos na masangkot sa transaksyon ng iligal na droga.
Nadiskubre na mayroong 7.72 milyong piso sa kanyang bank account si Cajipe na pinigilang ma-withraw ng Anti-Money Laundering Council (AMLAC) dahil sa umanoy koneksyon nito sa Convicted drug lord na si Peter Co.
Pero ang kaso laban kay Cajile ay nag-ugat matapos sampahan ng nabiktima nitong si Myrna Germedia ng robbery extortion sa office of the ombudsman noon pang hulyo taong 2002.
Marso ng taong 2007 nahatulan si spo2 cajipe ng guilty beyond reasonable doubt sa Regional Trial Court branch 26, sa lungsod ng Maynila.
Sa ngayon, nasa kustodiya pa ng NCRPO si Cajipe habang inaayos ang ilang dokumento para mailipat ito sa Bureau of Customs.