KALABOSO | Drug surrenderee at 4 menor de edad, arestado matapos mahulihan ng droga sa Quiapo

Manila, Philippines – Arestado ang isang drug surrenderee at tatlong lalaking menor de edad matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Quiapo, Maynila.

Isang 45-anyos na jeepney driver ang drug surrenderee ang naaresto kasama ang mga menor de edad na nasa 16 at 17 taong gulang.

Naaktuhan ng mga pulis na nagsusugal ang mga lalaki ng Cara y Cruz sa kalsada.


Nakumpiska sa mga suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Nahaharap ang mga ito sa kasong illegal gambling at illegal possession of dangerous drugs.

Facebook Comments