KALABOSO | Estudyante, inaresto sa loob ng paaralan dahil sa iligal na droga sa Makati

Makati City – Timbog ang 19-anyos na estudyante dahil sa kaso nitong may kinalaman sa iligal na droga sa Makati City.

Kinilala ang nadakip na si Chistian Perez na residente ng Barangay Cembo sa nabanggit na lunsod

Inaresto si Perez ng mga pulis sa loob ng University of Makati sa bisa ng warrant of arrest.


Walang pyansang inirekumenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Perez na todo tanggi sa mga akusasyon sa kaniya at sinabing mistaken identity ang nangyari.

Facebook Comments